HULA WHO: Aktres, dalawang beses na-engage pero iniwan din ng karelasyon

Sino itong aktres na dalawang beses na inalok ng kasal pero ipinagpalit rin sa iba?
Inamin ng isang aktres na dalawang beses siyang na-engage ngunit nauwi rin ito sa hiwalayan.
Ayon sa aktres, nagkagustuhan sila sa kasagsagan ng pandemic.
Ani aktres, "Noong pandemic, ano kasi 'yun, kapitbahay ko. Nagkita kami noong time na ininvite siya ng pinsan ko. Tapos, nagkagustuhan kami. Ang guwapo niya kasi, wala siyang Facebook at Instagram."
Inilahad ni aktres na araw-araw siyang niligawan hanggang sa nagkagustuhan sila ng kaniyang dating partner. Ibinahagi pa niya na naharap sila noon sa pagsubok.
"Naging kami, niligaw-ligawan niya ako araw-araw. Nag-pandemic, nawalan siya ng pera. Umabot sa point sa kumakain kami ng kanin tapos toyo 'yung ulam. Walang wala na, pati savings ko ubos na rin."
Ikinuwento ni aktres ang mga naganap sa unang proposal ng kaniyang dating karelasyon.
"Nag-propose sa akin, feeling ko nga noon nasa movie ako e. Nag-yes agad ako, may pa-cry cry pa siya noon. Sabi niya "hindi ko talaga akalain na mag-yes ka sa akin kasi nasa ganitong sitwasyon tayo ng buhay natin."
Sa ikalawang proposal kay aktres, may singsing na siyang natanggap.
"Nag-propose ulit, may singsing na."
Ayon kay aktres, dalawang beses man nagpropose ang kaniyang dating boyfriend, nauwi pa rin sila sa hiwalayan.
"Pinagpalit ako after ng pandemic. Nakahanap siya ng ibang po-propose-an niya."
Kilalanin ang aktres dito:
RELATED CONTENT: Celebrity breakups that shocked us















