Hula Who: Award-winning comedienne, pinangalanan ang artista na nakakapikon

Ikinagulat ng isang comedienne at host ang ibinulgar ng guest nila sa vodcast tungkol sa isang artista na ubod daw na nakakapikon.
Tampok sa naturang online talk show ag premyadong comedienne kung saan bukas nitong pinag-usapan ang breakup niya sa kaniyang non-showbiz husband.
Bago matapos ang vodcast, tinanong siya ng comedienne-host na, “Sa mga nakatrabaho mong artista, kanino ka napipikon currently ha?
Napaisip muna ang multi-awarded comedienne, sabay sabi, “Parang wala dito. Hindi wala dito, kasi mababait talaga mga tao dito."
Nakumbinsi naman siya ng TV host-comedienne na ibinulong sa kanila ng kaniyang co-host ang pangalan ng kinaiinisan niya.
Nang marinig ito ng host, humirit ito na: “Sa ating po mga tagapakinig, nakaka-shock ang ni-reveal ng ating Comedy Queen.”
“Actually, marami sila doon… Marami silang ganun dun.” tugon ng kanilang guest celebrity.
Sa opinyon naman ng comedienne host, “Kultura siguro tingin ko” at sumang-ayon naman ang seasoned comedienne.
Sino kaya ang celebrity na nakakapikon diumano para sa highly-respected comedienne?
Para sa mga clue, alamin sa video below!
RELATED FEATURE: Aiai delas Alas career highlights in GMA










