Hula Who: Celebrity, nais tumakbo sa eleksyon, pero wala raw pondo para sa kampanya?

Mainit pa ring usapin this week ang celebrities na naghain na ng kanilang certificate of candidacy (COC) para tumakbo sa national at local elections sa susunod na taon.
Ang ilang sa mga celebrity politicians naghahangad na muling makaupo sa puwesto at meron din naman na first-time sasabak sa eleksyon.
Pero agaw pansin ang isang blind item ng isang manager at vlogger sa kaniyang sikat na YouTube channel tungkol sa isang showbiz personality na tatakbo sa Eleksyon 2025, pero walang pondo para sa pangangampanya.
Rebelasyon pa ng manager na isa rin seasoned TV host at showbiz columnist na nanghingi raw ito ng tulong sa kaniya.
“Pero sinabi nga ni ano ni [Senator] Bong Revilla at ni [Senator] Manny Pacquiao, una, nasa wastong edad, residente ng Pilipinas at gusto mag-lingkod sa kapwa, e, puwede rin daw tumakbo.
“Minsan mahirap kasi 'yung ano, ayoko ng ano ah banggitin kung sino diyan, ano. Minsan kasi tatakbo ka, 'tapos wala kang pera. 'Tapos hihingi ka ng tulong sa akin.”
Tanong ng co-host niya sa showbiz vlog, “Sino yun?”
Tugon niya: “Huwag na!”
Dagdag pa uli veteran manager, “Yung mga tatakbo, tapos bahala na kung saan nila kukunin 'yung pondo pangampanya. Oo, 'di ba? Tapos ang ending mag-aano sa atin, 'Baka naman puwede makahingi ng tulong'.
“Yung ganiyan, ha! Tatakbo ka tapos wala kang budget… Generally speaking, hindi ba nakakabuwisit 'yung ganun na puwede 'yung hihingi ka ng suporta sa mga totoo mong kaibigan.
“Huwag 'yung biglang, ha! Hindi naman kami magkaibigan nito ah. Bakit hihingi ng tulong sa akin?”
Sino kaya ang tinutukoy niya? Alamin kung meron clue sa video below!
RELATED CONTENT: CELEBRITIES RUNNING IN THE 2025 ELECTIONS:










































