Hula Who: Content creator, certified backstabber!

Ingat sa mga taong patalikod kung manira sa inyo!
Naglabas ng saloobin ang isang sikat na TikTok creator, na may mahigit 2.6 million followers, sa kapwa content creator niya sa Your Honor.
Nang sumalang ang social media personality na ito sa YouLOL Original vodcast, nabanggit niya kina Chariz Solomon at Buboy Villar sa "Executive Whisper" ang isang content creator na 'backstabber' diumano.
“May sinasabi siya sa akin behind my back," kuwento ng TikTok star.
Dagdag pa niya, “'Tapos, sa iba rin creators. Pangit lang kasi parang iisa tayo ng industry.”
Napa-react naman si Madam Cha sa revelation ng kanilang guest. Sabi niya, “Alam mo nakakaawa 'yung ganiyan. Kasi, talagang bakit ka ganiyan?
“Nagsasabi ako, malungkot 'yan like, seriously. So, sana kagaya nung may na-share ako before, meron talagang makatulong. Kailangan talaga meron magsabi, 'Alam mo masakit ka magsalita, kailangan mo talaga ng help.'"
Sino kaya itong content creator na certified backstabber?
Panoorin ang buong kuwento sa video below!
Samantala, tingnan ang best reaction ng celebrities sa kanilang bashers dito:




















