Hula Who: Dalawang breakthrough stars, spotted na madalas magkasama

Dalawang artista ang napapansin ngayon ng fans at netizens na laging magkasama.
Bukod dito, sabay pa umano silang dumarating sa mga event na kanilang dinadaluhan.
Laman din sila ng online posts lalo na't pareho silang maraming supporters, na talaga namang nakasubaybay sa mga ganap nila sa kani-kanilang career.
Kamakailan lang ay spotted ang dalawa na sabay na dumating sa premiere night ng isang serye, kung saan kabilang sa cast nito ang dalawa nilang malapit na kaibigan.
Isang dating child star ang male celebrity na ngayon ay award-winning na dahil sa husay niya sa pag-arte.
Ang isang artist naman ay nag-e-enjoy ngayon sa music industry. Siya rin ay kilala ng marami bilang isang social media influencer.
Marami ang nagsasabi na best friends ang turingan nila, ngunit mayroon ding naniniwala na may something special sa kanila na hindi pa lang nila inire-reveal.
Sino kaya ang dalawang Pinoy celebrities na ito at ano na nga ba ang real score sa pagitan nila?
Samantala, tingnan ang celebrities na diumano'y nagkaroon ng rumored romance noong 2025 dito:

















