Hula Who: Dancer-actress, totoo bang lesbian at man-hater?

Matapang na sumalang sa "Executive Whisper" ng Your Honor ang isang dancer- actress nitong Sabado, November 15.
Dito, sinagot ng resource person ang tanong nina Chariz Solomon at Buboy Villar tungkol sa mga artista na nanligaw sa kaniya.
Bukod dito, nabuksan din ang isyu ng pagiging lesbian at man-hater daw niya.
Kasalukuyang, happily-married na ang dancer sa kapwa rin dancer. Matapos silang ikasal noong June 2014, nabiyayaan sila ng dalawang anak.
“Wala akong artistang muntik nang maging boyfriend," sabi ng dancer-actress. Nilinaw din niyang walang celebrity ang nanligaw sa kaniya.
“Ang tingin nila sa akin dati man-hater kasi boyish ako, e," paliwanag pa niya.
“So, parang akala nila ang gusto ko babae [laughs]. Kahit naman si Joshua [Zamora] that time, nag-Daisy Siete siya [ng] one year, after one year tsaka siya may kilig-kilig na. After one year pa.”
Kilalanin si dancer-actress dito:
Related gallery: The many times the SexBomb Dancers proved sisterhood is forever:













