HULA WHO: Sexy comedienne nanawagan: 'Landiin n'yo naman ako'

Tawa party ang naging session ng Your Honor kasama ang resource person nila na isang Sexy Comedienne (SC) nitong Sabado, February 22.
Napuno ng katatawanan ang mga naging sagot ni SC na napanood noon sa sitcom na Jose & Maria's Bonggang Villa tungkol sa paano niya haharapin kung may pagka-“red flag” ang kanyang boyfriend.
Bago matapos ang hearing ng Your Honor, sinagot ni SC ang tanong na: “Sa mga celebrity na lalaki na kilala mo, sino ang confirmed na malandi?”
Tumatak nang husto ang naging tugon ng pretty comedienne at sa halip na mag-Executive Whisper sinabi nito na, “Uy, pero ito ah! Never ako nalandi ng artista.” Sabay hirit, “Landiin n'yo naman ako.”
Dito napasabat naman ang kaniyang kaibigan na naroon din sa set: “Nanawagan po siya sa lahat po ng mga Sparkle artists.”
Humirit naman uli si Madam Chair Tuesday Vargas, “Ngayon lang ako nakakita ng guest na nanawagan 'Landiin n'yo naman ako'.”
Ulit-ulitin ang ilan sa funny moments sa Your Honor sa video sa ibaba.
RELATED CONTENT: MEET THESE MULTI-TALENTED PINAY COMEDIANS IN THIS GALLERY
















































