Hula Who: Sikat na DJ, pinangalanan ang pinakawalang kuwentang love team sa showbiz

GMA Logo Hula Who Sikat na DJ

Photo Inside Page


Photos

Hula Who Sikat na DJ



Isang multi-awarded radio disk jock ang game na sinagot sa isang bagong “vodcast” kung sino sa opinyon niya ang maituturing niyang pinakawalang kuwentang love team.

Nakilala ang naturang DJ sa sikat niyang FM radio program kung saan binabasa niya ang mga letter na pinapadala ng kaniyang listeners at nagbibigay rin siya ng love advice.

Sa pilot episode ng vodcast, sinabi niya ang love team na sa tingin niya ay sablay.

“Ang walang kakuwenta-kuwenta, i-bleep n'yo na lang. Baka makalabas 'to ha?... [censored sound].”

Napa-react ang host-comedienne ng online show na: “Ahh! Alam mo marami nagagalit, akala nila may anak.”

Hirit muli ng DJ, “Ayan na, alam na! Yung bago niya ngayon ang bagay sila.”

Sabat muli ng female host: “Ayun, parang nag-swak.”

“Nahanap din niya 'yung para sa kaniya…. Tsaka naka-move on na tayo lahat dun,” obserbasyon ng popular radio host.

Dagdag pa niya, “Naging parang sine-sensationalize, pero alam naman natin na parang hindi.”

Dugtong muli ng comedienne na nag-i-interview sa kaniya, “Na-entertain naman tayo lahat, bayad naman 'yung ginawa.”

Sino kaya ang love team na tinutukoy ng multi-awarded DJ?

Alamin sa video below!

SAMANTALA, TINGNAN ANG ALL-TIME FAVORITE KAPUSO LOVE TEAMS SA GALLERY NA ITO:


Dingdong Dantes and Marian Rivera
DongYan
Alden Richards and Maine Mendoza 
AlDub 
Tom Rodriguez and Carla Abellana
TomCar 
Jak Roberto and Barbie Forteza
JakBie
Kylie Padilla and Ruru Madrid 
KyRu
Rita Daniela and Ken Chan
RitKen 

Around GMA

Around GMA

Two 'New Year babies' born in Manila
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media