HULA WHO: Sinong artista ang binasted ni Bianca Umali noon?

Dumaan sa maanghang na tanungan ang Kapuso actress na si Bianca Umali sa “Kitchen-terrogate” segment ng GTV cooking talk show na Lutong Bahay kasama sina Mikee Quinto at Kuya Dudut.
Hamon sa kaniya ni Mikee Quintos, “Magbigay ka sa amin ngayon ng artista na binasted mo.”
Paunang sagot naman ni Bianca, “Artista na binasted ko? Wala. Hindi ako nag-aartista, ah. Kasi hindi rin ako ligawin, e.”
Ngunit kinalaunan ay napaisip si Bianca at umaming mayroon na nga siyang binasted na kapwa artista noon.
Pinangalanan ito ng aktres, ngunit tinagong sikreto na ng Lutong Bahay.
Kuwento ni Bianca, “Bata pa kami nun We were super young.”
“Pero the reason kung bakit ko siya binasted is because -- alam niya 'to, I told him na I don't want -- at a young age, ah, sabi ko 'ayaw ko kasi na mawala ka e. Ayaw ko na mawalan ako ng best friend,'” paliwanag ni Bianca.
Hanga naman sina Mikee at Kuya Dudut sa pinakitang wisdom at maturity ni Bianca sa murang edad pagdating sa love.
“Ilang taon ka nun? Para sabihin 'yun,” komento ni Mikee.
“Four?” biro naman ni Kuya Dudut.
Hindi naman na in-open ni Bianca ang kaniyang tunay na edad nang mambasted ito ng kapwa artista.
Sa ngayon ay happily in a relationship si Bianca sa 50th Metro Manila Film Festival Best Supporting Actor at Lolong: Bayani ng Bayan star na si Ruru Madrid.
BALIKAN ANG KANILANG SWEETEST PHOTOS SA GALLERY NA ITO:

















































