Hula Who: Sparkle hunk, magkakaroon daw ng baby this 2024?

GMA Logo Sparkle hunk Hula Who

Photo Inside Page


Photos

Sparkle hunk Hula Who



Tampok ang isang versatile Kapuso actor sa ating Hula Who this week dahil may hula raw sa aktor na magiging ama na siya this 2024!

Sa episode ng Running Man Philippines ngayong Sabado (August 17), na-experience ng Pinoy Runners na magkaroon ng Saju reading sa isang fortune teller at Feng Shui expert na si Park Seong-jun.

Ang Saju ay paraan ng pagbabasa ng kapalaran ng isang tao ayon sa kanyang birth date at time of birth.

Dito, sinabi ni Seong-jun sa Pinoy Runner na si Kokoy de Santos na marami raw babae ang papasok sa kaniyang buhay.

Matatandaan na shinoot ang Running Man Philippines season 2 sa first quarter ng 2024 sa South Korea.

Sabi ng fortune teller kay Kokoy sa salitang Korean: “Pagdating sa swerte mo this year, maraming babae na papasok sa buhay mo.

“Meron pa akong nakita sa kapalaran mo, puwede ka ring magkaanak this year.”

Payo ni Park Seong-jun sa binata, “Kaya this year and next year, dapat palagi ka mag-iingat sa lahat ng bagay.”

Kita naman na natatawa ang mga co-Runner ni Kokoy sa naging reaksyon niya sa kaniyang kapalaran. Hirit niya, “Hindi ko kailangan ng babae, kailangan ko 'yung buhay ko gumanda.”

“Bakit babae ibibigay mo? Sakit lang sa ulo 'yan, lahat ng babae kokontrolin din ako eh 'di wala rin, jusko.”

Panoorin ang video:

RELATED CONTENT: TRIVIA ABOUT KOKOY DE SANTOS


Around GMA

Around GMA

US Justice Dept releases card mentioning Trump, purportedly from Epstein to Nassar
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties