'Huwag Kang Titingin' stars, nagpasaya ng fans sa Caloocan at Cebu City

Puno ng saya at good vibes ang hatid ng ilan sa cast ng upcoming horror film na Huwag Kang Titingin!
Bago ang takutan sa big screen, nakipag-bonding muna sa fans sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Michael Sager, Charlie Fleming, Kira Balinger, Josh Ford, Anthony Constantino, at Shuvee Etrata.
Kamakailan, nagkaroon sila ng back-to-back mall visits sa Caloocan City noong Sabado (March 28) at sa Cebu City nitong Linggo (March 29).
Bukod sa kanilang nakakakilig na performances, ikinatuwa rin ng fans ang kulitan at saya ng cast on and off stage.
Hindi rin pinalampas ng Huwag Kang Titingin barkada na magpasalamat sa mainit na pagtanggap ng kanilang supporters.
Tingnan ang mga kaganapan sa kanilang Caloocan at Cebu visits sa gallery na ito.
















