ICYMI: SB19's viral performance on Hollywood Boulevard in Los Angeles, California

Viral ngayon sa social media ang surprise performance ng Pinoy pop (P-pop) boy group na SB19 sa iconic Hollywood Boulevard sa Los Angeles, California kamakailan.
Ang SB19 ay binubuo ng limang miyembro na sina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin.
Kasalukuyang nasa LA ang tinaguriang P-pop kings para sa kanilang “Pagtatag” tour.
Sa kanilang street performance, ipinakita nila ang kanilang hataw na dance moves gamit ang kanilang hit songs na “Gento,” “Crimzone,” at “Bazinga.”
Narito ang mga larawan ng kanilang naging viral performance:









