Ihaw-ihaw owner, pa-fall para maisalba ang negosyo sa 'Regal Studio Presents: Ihaw at Ako'

Siguradong matatakam tayo sa brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Ihaw at Ako," kuwento ito ng popular na ihaw-ihaw stand na nanganganib ma-evict mula sa isang food park.
Minana pa ni Cheche (Roxie Smith) ang ihawan niya mula sa kaniyang lola.
Malalaman niyang may balak si Noah (Kimson Tan), ang apo ng kanilang landlord, na i-demolish ang food park para patayuan ito ng mall.
Makikipagbangayan, magpo-protesta, at makikiusap si Cheche at iba pang food stall owners para hindi sila paalisin sa kanilang mga puwesto pero magmamatigas ni Noah.
Isang bagong approach naman ang susubkan ni Cheche. Kailangan ma-fall sa kaniya si Noah para mabago ang isip nito tungkol sa demolisyon.
Maisasalba kaya ni Cheche ang kaniyang ihawan? Mababago ba niya ang desisyon ni Noah?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Ihaw at Ako," November 9, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






