Ilang Sparkle stars, nakiisa sa bloodletting project ng GMA Kapuso Foundation

Nakiisa ang ilang Sparkle stars sa ginanap na bloodletting activity ng GMA Kapuso Foundation noong August 11 sa Ever Commonwealth sa Quezon City.
Ito ang ika-27 taon na pagsasagawa ng Sagip Dugtong Buhay bloodletting project ng GMA Kapuso Foundation at Philipine Red Cross.
Sa kabuuan, 1,545 blood bags ang nalikom sa event.
Nagpakita naman ng suporta para sa proyekto ang ilang Kapuso stars tulad nina Sparkle artists Matthew Uy, Shuvee Etrata, Julia Pascual, at Keisha Serna.
Nag-perform sila at nagbigay ng saya sa mga nag-donate ng dugo.
Silipin ang pakikiisa nila sa Sagip Dugtong Buhay bloodletting project ng GMA Kapuso Foundation dito.






