News

Impersonator na si Michelle O'Bombshell, pumanaw na

GMA Logo Pinoy comedians na pumanaw na
Source: IMDB

Photo Inside Page


Photos

Pinoy comedians na pumanaw na



Pumanaw na ang impersonator at komedyante na si Michelle O'Bombshell o Roderic Cuntapay sa tunay na buhay. Kinumpirma ito ng kapwa comedienne na si Pepita Curtis sa isang Facebook post.

“Paalam Nay Michelle O'Bombshell, lalong masaya dyan ngayon sa Taas dahil andyan po kayo ” caption ni Pepita sa kaniyang post.

Dito pinasalamatan din ni Pepita ang komedyante na nagsilbing writer ng kaniyang birthday concert noong 2024. Sabi pa niya, habang buhay niya papahalagahan ang pagpayag ni Michelle sa pagkakataon na iyon.

“Di namin malilimutan kung gaano ka kagaling sa entablado, kung gaano ka kabilis mag-isip ng mga punchlines na magugulat ang lahat, ang husay mo magingles, timing, bagsak, isa ka pong idol nay!” sabi ni Pepita.

Pagbabahagi pa ni Pepita, kahit kailan ay hindi siya sinungitan ni Michelle kahit noong nagsisimula pa lang siya, at hindi rin naging maramot sa pagbibigay ng suporta.

“Habang tinatype ko to, binubura ko, nahihiya ako magpost ng ganito kahaba pero minsan lang naman ito para sayo Nay ” sabi ni Pepita.

Bukod kay Pepita, maraming comedians at dating mga nakatrabaho si Michelle na nagpahayag ng kanilang lungkot sa pagpanaw ni Michelle.

Wala pang ibang detalye na ibinahagi si Pepita tungkol sa pagpanaw ng komedyante.

Kilala si Michelle, o Ador, sa iba't ibang comedy films katulad ng Wapakman at 2012 film na May Amiga Girl. Madalas din siyang napapanood sa mga comedy bars. Kamakailan lang ay nag-guest din siya sa Family Feud kung saan nakasama niya ang ibang comedians.

RELATED: KiLALANIN ANG PINOY COMEDIANS NA PUMANAW NA DITO


Gary Lising 
Dolphy
 German Moreno
Bentong
Joey Paras
Joey Paras
Joey Paras
Joey Paras
Chokoleit
Joy Viado
Babalu
Redford White
 Rene Requiestas
Panchito
Miss Tapia
 Blakdyak
 Elizabeth Ramsey
Tado Jimenez
Palito
Bangkay
Pipoy
Zorayda
Tiya Pusit
Carding
Chiquito
Sammy Lagmay
Ungga
Bernardo Bernardo
Ben Tisoy
Tommy Angeles
Kim Idol
Le Chazz
Mahal

Around GMA

Around GMA

LRT-2 to offer free rides on April 9, 2026, Araw ng Kagitingan
Olivia Rodrigo to drop new album this June
2 nabbed for alleged illegal transport of wildlife species