Impressive performances of 'Prince of Ballad' Gerald Santos on GMA

Ang binansang “Prince of Ballad” na si Gerald Santos ay isa sa mga mahuhusay na Filipino singer na produkto ng reality singing competition sa bansa.
Nakilala si Gerald nang tanghalin siyang grand champion sa second season ng talent search ng GMA Network na Pinoy Pop Superstar noong 2006.
Simula noon nagtuloy-tuloy na ang music career niya, hindi lang sa Pilipinas kung 'di maging sa ibang bansa.
Pero bukod sa pagiging singer, napanood din si Gerald sa iba pang mga programa sa GMA Network, kung saan nasubukan ang kaniyang talento sa acting at hosting.
Alamin ang naging kerara ng Pinoy singer na si Gerald Santos sa gallery na ito:















