Ang mga natatanging pagganap ni Aiai Delas Alas

GMA Logo Aiai Delas Alas

Photo Inside Page


Photos

Aiai Delas Alas



Hindi na bago sa Comedy Queen at batikang aktres na si Aiai Delas Alas na gumanap bilang nanay on-screen.

Sa katunayan, sa kanyang mother roles pa nga siya lubos na nakilala lalo na sa larangan ng pelikula.

Kahit na matagal nang umaarte, aminado si Aiai na nahirapan siya sa kanyang bagong drama role kung saan siya ay ina na magmimistulang anak.

Ito ay para sa upcoming GMA afternoon series niyang 'Raising Mamay' kung saan magkakaroon siya ng age regression.

Bahagi ni Aiai sa virtual media conference ng programa kamakailan, "Napakadaming challenges bukod sa aktingan syempre this is my first time umarte as bata so kailangan mong aralin 'yung mga characteristics ng bata.

"Nagkaroon kami ng immersion ng mga bagets para maaral ko kung paano sila gumalaw, magsalita and kumilos tapos 'yung mga scenes namin ni Abigail bilang mag-ina ay mabibigat din."

Brain injury ang sanhi ng regression ng character ni Aiai na nagngangalang Letty. Babalik ang pag-iisip ni Letty pagkabata. Dahil dito, ang kanyang anak na si Abigail ang tatayong guardian niya na para na rin niyang ina. Gagampanan ng 'StarStruck' Season 7 winner na si Shayne Sava ang papel na Abigail.

Dagdag pa ni Aiai, "Kakaiba naman ito kasi ang talagang nagsasakripisyo dito 'yung anak para sa ina."

Aminado mang ninenerbyos sa bagong soap, exciting naman para kay Aiai ang kanyang latest project dahil ito ang pagbabalik-teleserye niya sa hapon.

Bago pa man tayo maantig kay Aiai sa 'Raising Mamay,' balikan sa gallery na ito ang mga natatangi niyang pagganap bilang ina sa telebisyon at pelikula.


Ina Montecillo in 'Ang Tanging Ina' film series
Love in 'Kapag Tumibok Ang Puso: Not Once, But Twice'
Georgia Quizon in 'Ang Cute ng Ina Mo'
Sunshine Sicat in 'Ang Tanging Pamilya: A Marry Go Round'
Detty in 'Sisterakas'
Cora in 'My Bebe Love: KiligPaMore'
Jeni Magtanggol-Pontenciano/DJ Bebeyonce in 'Let the Love Begin'
Emily Baclao in 'Magpakailanman'
Perla Calubaquib in 'Sherlock Jr.'
Letty/Mamay in 'Raising Mamay'
Sabel in 'S.O.N.S.: Sons of Nanay Sabel'
Mary Balbon in '3pol Trobol: Huli Ka Balbon'
Ditas in 'D'Ninang'
Lola Edna in 'Litrato'
Paloma in 'Ronda'

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit