IN PHOTOS: Althea Ablan bilang babaeng sinapian sa '#MPK'

GMA Logo The Haunted Daughter on #MPK

Photo Inside Page


Photos

The Haunted Daughter on #MPK



Dahil parating na ang Halloween, titindig ang inyong balahibo sa episode na hatid ng real life drama anthology na #MPK o 'Magpakailanman.'


Pinamagatang "The Haunted Daughter," kuwento ito ng isang pamilya na titira sa isang luma pero malaking bahay para magsilbing mga caretaker nito.

Habang nagtatagal sila dito, napapansin ng mag-asawang Diego at Nancy na nagbabago ang ugali ng kanilang panganay na si Rona. Nagiging bayolente ito at minsan pang sinubukang saktan ang sarili.

Nang dalhin nila ito sa isang faith healer, malalaman nilang pugad ng mga ligaw na kaluluwa at masasamang espirito ang bahay. At isa sa mga mga ito ang sumapi kay Rona!

Paano kaya masasagip ng pamilya si Rona?

Bibida sa episode si 'Prima Donnas' star Althea Ablan bilang Rona. Si Smokey Manaloto naman ang kanyang amang si Diego habang si Angeli Bayani ang kanyang inang si Nancy.

Bahagi din ng episode si JK Giducos bilang nakababata niyang kapatid na si Ronron.

Huwag palampasin ang Halloween presentation na "The Haunted Daughter," ngayong Sabado, October 30, 8:15 pm sa '#MPK.'

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Caretaker
Pamilya
Anak
Bayolente
Sapi
Tulong
The Haunted Daughter

Around GMA

Around GMA

PH aims to boost cruise tourism growth
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection