IN PHOTOS: Ama, nagmartsa sa graduation kasama ang standee ng yumaong anak sa '#MPK'

Isang nakakaantig na viral story ang tampok sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Marami ang naantig sa kuwento ng isang ama na nagmartsa sa graduation kasama ang standee ng yumaong anak.
'Yan ang tunay na kuwento ni Felipe Sanchez at ng anak niyang si Mark na namatay isang buwan bago ang kanyang graduation.
Abangan ang pagsasadula ng kanilang kuwento sa brand new episode na "Ang Pagtatapos ng Anak: The Felipe and Mark Sanchez Story," July 16, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






