IN PHOTOS: Anak, mapapatay ang mapang-abusong ama sa '#MPK'

GMA Logo My Father's Killer

Photo Inside Page


Photos

My Father's Killer



Isang trahedyang dulot ng domestic violence ang tampok sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Pinamagatang "My Father's Killer," kuwento ito ng isang binata na aksidenteng mapapatay ang mapang-abuso niyang ama para maprotektahan ang kanyang ina at kapatid.

Sa paglaki ni JunJun, madalas niyang nakikita na sinasaktan ng ama niyang si Mario ang ina niyang si Imelda.

Magkakaroon ng malalim na sama ng loob si JunJun sa ama kaya nagsisikap siyang magtrabaho at mag-ipon para mailayo si Imelda, pati na ang kapatid na si Pem, mula kay Mario.

Pero habang hindi pa sila makaalis sa poder nito, magsisilbing protektor ni Imelda si JunJun laban kay Mario.

Hanggang sa isang malagim na gabi, hahantong sa parricide o pagpatay sa sariling ama ang pagtatalo nina JunJun at Mario.

Abangan ang kuwentong 'yan sa fresh at brand new episode na "My Father's Killer," March 26, 8:00 p.m. sa '#MPK.'

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Miggs Cuaderno
Eula Valdes
Neil Ryan Sese
Elijah Alejo
Plano
Parricide
My Father's Killer

Around GMA

Around GMA

Oscars to stream exclusively on YouTube from 2029: Academy
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte