IN PHOTOS: Ang buhay-quarantine ni Bae-by Baste sa GenSan

Nang magsimula ang quarantine sa Manila ay bumalik si Bae-by Baste at ang kanyang pamilya sa kanilang bahay sa General Santos City sa Mindanao.
Kahit negatibo sina Bae-by Baste at ang kanyang pamilya sa COVID-19,, nag-14-day home quarantine pa rin sila para sa kaligtasan ng mga tao sa kanilang paligid.
Nanatili na sa GenSan ang batang Eat Bulaga dabarkad. Kahit naka-quarantine si Baste, patuloy pa din ang kanyang pag-aaral habang dinalasan naman niya ang kanyang pag-e-exercise. Nagpapaka-busy rin minsan si Bae-by Baste sa pagtulong sa mga gawaing bahay at sa kanyang negosyo. Higit sa lahat, mas mahaba na ang oras na kapiling niya ang kanyang pamilya.
Kumusta na kaya si Bae-by Baste? Tingnan ang kanyang quarantine photos sa gallery na ito.


































