IN PHOTOS: Ang kuwento ng buhay ng komedyanteng si Boobsie sa '#MPK'

GMA Logo Fat and Furious on #MPK

Photo Inside Page


Photos

Fat and Furious on #MPK



Buhay ng komedyanteng si Boobsie Wonderland and tampok sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Nakilala si Boobsie or Mary Jane Vallero sa mga comedy bars dahil sa husay niya sa pagpapatawa.

Bago siya sumikat, nagtrabaho siya bilang isang entertainer sa Japan kahit 14 years old pa lang.

May makikilala siyang matandang Hapon at magiging engaged dito sa loob ng limang taon. Pero makikipaghiwalay siya dito nang makilala ang kasintahang si Lito.

Kahit tutol ang kanilang mga magulang, magsasama na sina Boobsie at Lito.

Sasali si Boobsie sa isang contest sa variety show at ito ang magiging susi sa pagkaka-discover niya. Dito na magsisimula ang magandang takbo ng karera niya sa mga comedy bars.

Maganda na sana ang lahat, hanggang sa malaman niyang nangangaliwa si Lito.

Si Boobsie mismo ang gaganap sa kanyang sarili sa episode. Makakatambal niya dito si Jay Manalo na gaganap naman bilang Lito.

Bahagi din ng episode sina Elizabeth Oropesa, Joana Marie Tan, Cai Cortez, Jong Cuenco, Prince Clemente, Kenken Nuyad, Makee Dulalia at Tonette Guiao.

Abangan ang mga pagsubok sa buhay ni Boobsie sa episode na pinamagatang "Fat and Furious: The Adventures of Boobsie," ngayong Sabado, August 21, 7:15 pm sa '#MPK.'

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Elizabeth Oropesa
Joanna Marie Tan
Kasal
Boobsie
Jay Manalo
Kuwento ng buhay

Around GMA

Around GMA

Cops firing guns during Christmas, New Year to face sanctions
Pinoy Catholics called to pray, be peacemakers on Christmas
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones