IN PHOTOS: Magkakapatid, susubukan ng malubhang sakit sa '#MPK'

Apat na mahuhusay na Kapuso stars ang mapapanood sa episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado.
Magsasama-sama sina Diana Zubiri, Sanya Lopez, Sunshine Dizon at Sheena Halili sa episode na pinamagatang "Best Sisters Forever."
Malapit ang samahan ng apat na magkakapatid na sina Linsie, Gee, Leslie at Arriane.
Dahil wala nang ibang maasahan, patuloy na nagtutulungan ang magkakapatid matapos maulila sa kanilang mga magulang.
Pero tunay na masusubukan ang kanilang samahan nang tamaan ng sakit sa bato ang kanilang bunsong kapatid na si Arriane.
Paano malalagpasan ng magkakapatid ang unos na ito?
Si Diana Zubiri ang gaganap bilang Linsie habang si Sunshine Dizon naman ay si Gee. Si Sheena Halili naman ay si Leslie at ang bunsong kapatid na si Arriane ay gaganapan ni Sanya Lopez.
Bukod sa apat na Kapuso actresses, bahagi rin ng episode ang beteranang aktres na si Snooky Serna na gaganap bilang kanilang ina.
Makakasama rin nila sa episode ang mga aktor na sina Juancho Trivino at Rafa Siguion-Reyna.
Si Gil Tejada Jr. ang nagsilbing direktor ng episode.
Huwag palamapsin ang kuwento ng pagmamahalan at pagtutulungan ng magkakapatid sa "Best Sisters Forever" ngayong Sabado, January 2, 8:00 pm sa '#MPK.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ang episode sa gallery na ito:







