IN PHOTOS: Ang mga lalaki sa buhay ni Ruffa Gutierrez

Nagsimula si Ruffa Gutierrez sa showbiz noong 1980s. Bago makoronahan bilang "Binibining Pilipinas World" noong 1993, naging parte ang aktres ng sikat na variety show ni German Moreno na 'That's Entertainment.'
Napanood din si Ruffa sa maraming teleserye at pelikula tulad ng 'My Monster Mom,' 'Working Girls,' 'Shake, Rattle & Roll V,' 'Desperadas,' at 'Sosy Problems.'
Sa anim na magkakapatid, nag-iisang anak na babae si Ruffa ng mga aktor na sina Eddie Gutierrez at Anabelle Rama. Mayroon din siyang dalawang half-brothers sa kanyang ama.
Noong 2003, ikinasal si Ruffa sa Turkish businessman na si Yilmaz Bektas, ama ng dalawa nitong anak na sina Lorin at Venice. Matapos ang apat na taon, inanunsiyo nina Ruffa at Yilmaz ang kanilang paghihiwalay.
Ibinahagi naman ni Ruffa noong 2021 ang paghihiwalay nila ng French-Israeli businessman na si Jordan Mouyal, na naging nobyo niya sa loob ng anim na taon.
Samantala, kilalanin ang ilan sa mga lalaki sa buhay ni Ruffa Gutierrez sa gallery na ito:










