IN PHOTOS: Ang mga oppa na magpapakilig sa 'Extra-ordinary You'

Ngayong November 9, ihahatid ng GMA News TV ang 'Extra-ordinary You,' ang bagong K-drama na magpapakilig sa inyo tuwing gabi.
Dito, makikilala natin si Dani, isang estudaynte sa isang presithiyosong university. Isang araw, nalaman ni Dani na siya at ang mga kasama niya ay mga karakter lamang sa isang komiks. At imbis na siya ang bida, si Dani ay isa lamang extra sa mundong iniikutan niya.
Maliban sa exciting na kuwento, tampok din sa istorya ang apat na nagwa-guwapuhang lalaki sa buhay ni Dani. Kilalanin natin ang mga oppa na tiyak na magpapakilig sa inyong mga gabi sa 'Extra-ordinary You!'












