Ilang celebrities ang mahusay sa harap at likod ng camera. Kilalanin kung sinu-sino ang mga artista na at direktor pa sa gallery na ito.
Pinasok ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang pagdidirek dahil sa kanyang pagmamahal sa industriya. Noong 2008 ay nominado siya bilang Movie Director of the Year para sa pelikulang 'Angels.' Isa sa kanyang pinakabagong directorial job ay sa isang episode ng 'Tadhana,' kung saan siya mismo ang nag-direk sa kanyang asawang si Marian Rivera.
Tunay na isang content creator si Michael V. Ang kanyang pinakamalaking proyekto bilang isang direktor ay ang pelikulang 'Family History' (2019). Aniya, idolo din daw niya ang yumaong Comedy King na si Dolphy, na inspirasyon niya sa paghahatid ng katatawanan.
Matapos ang panandaliang pahinga sa showbiz bilang isang performer, bumalik sa showbiz si Gab Valenciano. Ngunit ngayon, mas nais na niyang magtrabaho sa likod ng camera. Ang anak ni Gary V ang isa sa mga direktor ngayon ng 'Wowowin' at 'Wowowin Primetime.'
Siniguardo ng '90s heartthrob na si Zoren Legaspi na sa kanyang pagbabalik sa bakuran ng GMA Network ay babalik din siya sa pagdidirek. Isa sa kanyang idinirehe kamakailan ay ang episode na "Ang Batang Sinagip ng Kapre" ng 'Magpakailanman' noong 2019.
Nasubukan na rin ng komedyante at dabarkad na si Jose Manalo ang pagdidirek. Una niyang sabak bilang direktor ang unang horror-comedytelemovie ng 'Eat Bulaga' na 'Pamana' (2018).
Maituturing na beterano hindi lamang sa pag-arte kundi pati sa pagdidirek si Gina Alajar. Kasalukuyan niyang ididirehe ang top-rating afternoon drama na 'Prima Donnas.' at 'Onanay.'
Naranasan na rin ni Christian Bautista maging isang direktor. Isa siya sa mga nagdirek ng music video nila ni Rachelle Ann Go, ang “The Way We Are,” na nominado bilang Music Video of The Year sa 7th PMPC Star Awards for Music.
Multi-talented din ang actor-singer na si Nar Cabico. Siya mismo ang nagdirek ng music video ng kanyang hit single na “Gaga.” Nakatanggap din siya ng nominasyon sa kategoryang Music Video of The Year sa 2019 Star Awards for Music para rito.
Ang dating child star na si John Prats, isa na ring ganap na direktor. Involved si John sa pagdidirek ng ilang music video, kung saan nakatanggap na siya ng parangal, at live concerts tulad ng 'Co Love' Live nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.
Mana si Eric Quizon sa kanyang amang si Dolphy. Maliban sa pagiging isang mahusay na komedyante at aktor, isa ring direktor si Eric. Siya ang nagdirek kay Paolo Ballesteros sa pelikulang 'My 2 Mommies" (2018).
Kilala bilang isang mahusay na aktres at direktor si Laurice Guillen. Ilan sa mga pinasikat niyang programa sa GMA Network ay ang 'Ikaw-6 Na Utos' at ang kasalukuyang umeere na GMA afternoon drama na 'Bilangin ang mga Bituin sa Langit.'
Isa ring direktor ang Kapamilya actor-singer na si Khalil Ramos. Siya ang nag-direk ng music video ni Gabbi Garcia na “All I Need.” Mayroon na rin siyang sariling production house, ang Limitless.
Marunong din sa pagdidirek ang komedyanteng si Phillip Lazaro. Ilan sa mga proyekto niya bilang isang direktor ay ang ilang comedy variety shows at music videos.
Naging TV director din si Randy Santiago. Muli silang nagkatrabaho ni Willie Revillame nang siya ang magdirek ng 'Wowowin' noon. Nakapagdirek na rin siya ng pelikula.
Sanay ang Callalily frontman na si Kean Cipriano sa harap ng camera at entablado. Ngunit nag-enjoy din siya sa pagdidirek nang itayo niya at ng kanyang asawang si Chynna Ortaleza ang UP Fair concert na 'Hiwaga.'
Pinasok na rin ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang pagdidirek. Sa kanyang directorial debut, nakatrabaho ni Alden si Heaven Peralejo sa isang pelikulang ipapalabas sa isang streaming app na may pamagat na 'Out of Order.'
Si Bela Padilla ang sumulat at nagdirek ng kanyang pelikulang '366' kung saan nakasama niya sina Zanjoe Marudo at JC Santos.
Sinubukan din ni Alessandra De Rossi na umupo sa director's chair sa pelikula niyang 'My Amanda' kung saan nakasama niya si Piolo Pascual.
Ilang pelikula na rin ang isinulat at idinerehe ng aktor na si Xian Lim katulad ng 'Tabon' at 'Kuman Thong.'
Hindi pa nakakapagdirek ng pelikula si Nadine Lustre pero nasubukan na niyang gumawa ng music videos bilang direktor.