IN PHOTOS: Atleta, masusubukan ang tatag dahil sa mental health issues ng ina sa '#MPK'

Usapin ng mental health ang tatalakayin sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na '#MPK' o Magpakailanman.
Kuwento ito ni Ashley, isang arnis player na nangangarap makasali sa international competitions.
Masusubok ang kanyang tatag dahil na-diagnose ng bipolar disorder ang kanyang inang si Aie Aie.
Ang bipolar disorder ay isang kundisyon kung saan nakakaranas ng extreme mood swings ang isang tao.
Magkasabay na aalagaan ni Ashley ang kanyang ina habang nagte-training ng arnis para makatungtong sa kumpetisyon sa ibang bansa.
Makamit kaya niya ang kanyang mga pangarap?
Abangan ang kuwentong 'yan sa fresh at brand new episode na "My Bipolar Mom," April 2, 8:00 p.m. sa '#MPK.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






