IN PHOTOS: Away ng mag-asawa, nauwi sa siraan ng mukha sa '#MPK'

GMA Logo Asido sa Kamay ng Asawa on MPK

Photo Inside Page


Photos

Asido sa Kamay ng Asawa on MPK



Isang kuwento tungkol sa domestic violence ang tampok sa upcoming fresh at brand new episode ng real-life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'


Pagbibidahan ito ni Max Collins na gaganap bilang si Jasmine, isang recent college graduate na ma-i-in-love sa tricycle driver na si Brando, karakter naman ni Martin del Rosario.

Simula pa lang ng kanilang relasyon, tutol na rito ang nanay ni Jasmine na si Betty, played by Lovely Rivero.

Dahil dito, pipiliin nina Jasmine at Brando ng magtanan. Maayos ang kanilang pagsasama hanggang sa magkaroon sila ng anak.

Dito na magsisimulang magbago ang ugali ni Brando. Magagawa niyang saktan si Jasmine pati na ang kanilang baby. Bukod dito, matututo ring mambabae si Brando.

Hanggang sa isang araw, sasabuyan ni Brando ng asido ang mukha ni Jasmine. Paano umaabot sa ganitong karumal-dumal na krimern ang kanilang problema bilang mag-asawa?

Abangan 'yan sa fresh at brand new episode na "Asido sa Kamay ng Asawa," ngayong Sabado, February 12, 8:00 p.m. sa '#MPK.'

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Max Collins
Martin del Rosario
Lovely Rivero
Tanan
Baby
Violence
Asido sa Kamay ng Asawa

Around GMA

Around GMA

Endemic na hayop sa Mindanao na tingkolit o 'treeshrew,' nakita sa Mt. Apo
Rising inflation alarms business owners in CDO
Jennylyn Mercado shares why a fresh-smelling home matters to her