IN PHOTOS: Babae, gabi-gabing ginagambala ng halimaw sa '#MPK'

Sakto para sa Halloween ang bagong episode na inihanda ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado.
Kuwento ito ni Mayet, babaeng biktima ng isang incubus o isang supernatural na nilalang na nakikipagtalik sa mga kababaihan habang natutulog ang mga ito.
Binibisita siya nito gabi-gabi sa pamamagitan ng isang misteryosong anino.
Susubukan niyang magsumbong sa kanyang asawang si Vic pero hindi ito maniniwala sa kanya.
Iisipin pa ni Vic na hindi nagiging tapat si Mayet sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
Wala ring magagawa para kay Mayet ang kanyang inang si Andeng, habang takot naman siya sa amaing si Willy.
Paano matatakasan ni Mayet ang misteryosong nilalang na gumagambala sa kanya bawat gabi?
Alamin sa fresh episode at Halloween special na "Halimaw sa Kama," ngayong Sabado, October 31, 8:15 pm sa '#MPK.'






