IN PHOTOS: Babae, itinago ang naranasang paulit ulit na sexual abuse sa '#MPK'

Isang inspiring na kuwento ang matutunghayan sa bagong two-part special ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Tungkol ito ng buhay ng teacher, author at Christian minister na si Pia Roxas Hugo.
Sa unang bahagi ng kanyang kuwentong pinamagatang "A Child's Trauma," ibinahagi ni Pia ang kanyang masalimuot na kabataan.
Limang taong gulang pa lang kasi siya, paulit ulit na siyang pinagsasamantalahan ng kanilang family driver. Dahil sa takot, itinago niya ang pang-aabusong ito mula sa kanyang pamilya.
Nang tumanda naman si Pia, nakaranas siya ng pangmomolestiya mula sa kanyang brother-in-law.
Ano ang maguudyok kay Pia na aminin na sa kanyang pamilya ang pang-aabusong paulit ulit niyang nararanasan? Magbabago ba ang kanyang buhay sa paglipat nila sa Amerika?
Abangan ang unang bahagi ng kuwento ni Pia Roxas Hugo sa brand new episode na pinamagatang "A Child's Trauma," September 3, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






