IN PHOTOS: Babae, kukulamin ng kanyang biyenan sa '#MPK'

GMA Logo Kinulam na Ina on MPK

Photo Inside Page


Photos

Kinulam na Ina on MPK



Nakakakilabot ang upcoming brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/magpakailanman/home/

Pinamagatang "Kinulam na Ina," kuwento ito ni Alma na makakaranas ng 'di maipaliwanag na mga sakit.

Masayang nagsasama si Alma at ang live-in partner niyang si Simon at anak nilang si Nathan.

Sasali sa isang konserbatibong Christian group ni Alma at mapagdedesisyunan niyang hindi sila maaring magsiping ni Simon hanggang hindi pa sila ikinakasal.

Magkakaroon naman ng ibang babae si Simon at makakadagdag pa sa galit ni Alma ang pagkunsinti dito ng nanay nitong si Mamang.

Kukompruntahin niya ang mag-ina at matapos nito, iba't ibang sakit na ang dadapo kay Alma.

Resulta nga ba ito ng kulam? Sino ang nagpakulam kay Alma at paano niya ito malalagpasan?

Abangan 'yan sa brand new episode na pinamagatang "Kinulam na Ina," January 28, 8:00 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Sheryl Cruz
Leandro Baldemor
Rosemarie Sarita
Zyren dela Cruz
Affair
Kulam
Kinulam na Ina

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 16, 2026
Mga Balikbayan nga Makig-Sinulog sa Cebu, Mainitong Gisugat | Balitang Bisdak
Farm To Table: Panalo sa sarap!