IN PHOTOS: Babaeng ampon, nangungulila pa rin sa tunay na magulang sa '#MPK'

Isang kakaibang pamilya ang tampok sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Inampon ng mag-asawang Jerry at Nitz si Jane at binusog ito ng pagmamahal.
Pero nang malaman ni Jane na hindi siya tunay na anak nina Jerry at Nitz, nanliit ang tingin niya sa kanyang sarili.
Bukod dito, naging biktima pa ng panggagahasa si Jane at magbubunga ito ng anak na kambal.
Dahil sa trauma, magkakaroon ng takot si Jane sa mga lalaki. Lalayo din ang loob niya maging kay Jerry, na noon ay ka-close niya.
May pag-ibig pa bang hihilom sa puso ng isang ampon at naging biktima ng pananamantala?
Abangan 'yan sa fresh at brand new episode na "Ampon Man Sa Iyong Paningin: The Jane Magbanua Story," April 30, 8:00 p.m. sa '#MPK.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






