IN PHOTOS: Baklang ama, magkakaroon din ng baklang anak sa '#MPK'

Kuwento ng LGBTQIA+ na father and son ang tampok sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Batid ni Jester na isa siyang bakla simula noong kanyang kabataan. Pero hindi naman natinag dito si Wena na pilit pa ring gagawing "tunay na lalaki" si Jester.
Mabibiyayaan sila ng anak, si Prince Sandra. Pero sadyang hindi magiging maayos ang kanilang pagsasama kaya maghihiwalay rin sina Jester at Wena.
Mangungulila si Jester sa anak kaya makikiusap siya kay Wena na makapiling ito. Inilayo man ng ina sa kanyang ama, tila "namana" ni Prince ang pagiging bakla ni Jester.
Matatanggap kaya ng mag-ama ang isa't isa?
Abangan 'yan sa brand new episode na "Mana sa Inang Ama: The Jester Mendoza Story," March 18, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






