IN PHOTOS: Behind the scenes of GMA Network Afternoon Prime 'Apoy sa Langit'

Nagsimula na ang taping para sa seryeng magpapainit ng ating mga hapon, ang 'Apoy sa Langit.'
Ang 'Apoy sa Langit' ay pagbibidahan nina Maricel Laxa-Pangilinan at Zoren Legaspi, kasama sina Mikee Quintos at Lianne Valentin. Kabilang din sa cast ng bagong handog ng GMA Afternoon Prime ang mga mahuhusay na aktor sa industriya na sina, Ramon Christopher, Mariz Ricketts, at ang multi-awarded na direktor at aktor na si Carlos Siguion-Reyna.
Tampok din sa 'Apoy sa Langit' sina Dave Bornea, Coleen Paz, Patricia Ismael, at Mio Maranan.
Sa kuwentong ito ay gagampanan ni Maricel ang karakter na Gemma, isang widowed jewelry designer. Gaganap naman bilang anak niyang si Ning si Mikee. Makikila ni Gemma si Cesar, (Zoren), dating furniture contractor ng pumanaw niyang asawa. Siya ang magiging sandalan at suporta ni Gemma pati na rin ng anak niyang si Ning. Darating din sa kanilang buhay si Stella (Lianne), siya ay ang karakter na yayanig sa tila baga perpektong pamilya na binuo nina Cesar, Gemma, at Ning.
Narito ang ilang mga eksena sa inaabangang serye na 'Apoy sa Langit'.
















