IN PHOTOS: Beki, tumayong ama sa batang hindi niya kadugo sa '#MPK'

GMA Logo Ang Pagmamahal ng Isang Amang Beki on MPK

Photo Inside Page


Photos

Ang Pagmamahal ng Isang Amang Beki on MPK



Isang munti ngunit kakaibang pamilya ang tampok sa isang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Magkakawatakwatak ang pamilya ni Jeremy nang mamatay ang inang mag-isang nagtataguyod sa kanila. Magkakahiwahiwalay silang magkakapatid para tumira sa mga nagmagandang-loob na kumupkop sa kanila.

Mapupunta si Jeremy sa poder ni Pepito. Dahil isang beki, hindi pinalad si Pepito na magkaroon ng sarili niyang mga anak.

Sadyang napakalaki ng puso ni Pepito. Kahit hindi man siya marangya, ibibigay niya kay Jeremy ang pag-aarugang kailangan nito.

Susubukan pa ni Pepito na hanapin ang tunay na ama ni Jeremy dahil sa lubos na pagmamahal niya sa anak-anakan.

Maapektuhan ba nito ang relasyon nilang mag-amain?

Si Cris Villanueva ang gaganap bilang Pepito habnag si Miguel Tanfelix naman ay si Jeremy.

Abangan ang kanilang kuwento sa "Ang Pagmamahal ng Isang Amang Beki: The Jeremy Sabido Story" ngayong Sabado, July 3, 8:00 pm sa '#MPK.'

Silipin ang ilang eksena ng episode mula sa gallery na ito:


Miguel and Cris
Beki
Leandro
Prince and Joshua
Mel
Ang Pagmamahal ng Isang Amang Beki

Around GMA

Around GMA

PAGASA forecast cloudy skies, isolated rains over PH on Good Friday
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together