IN PHOTOS: Best celebrity Halloween costumes this 2021

Taun-taong pinaghahandaan ng Pinoy celebrities ang Halloween. Pabonggahan sila sa kani-kanilang costumes na inspired sa horror on-screen characters, samantalang ang ilan ay creative sa kanilang pananamit.
Tulad na lamang ng 'Prima Donnas' stars na sina Jillian Award, Sofia Pablo, Althea Ablan, at Elijah Alejo na in-effort-an ang kanilang mga Halloween get-up sa makeup at prosthetics pa lang.
Kung ang Kapuso teen stars ay nagpabonggahan sa makeup at prospethics, ang 'The Clash' judges naman ay idadaan sa kasuotan ang kanilang pananakot sa TV.
Sa episode ng 'The Clash' ngayong October 31, 2021, mapapanood si Lani Misalucha bilang si Morticia Addams na stylish at intimidating sa kanyang black gown. Si Christian Bautista naman, "oppa"-looking pa rin sa kanyang Dracula costume. Kung si Lani at Christian ay nakakakilabot sa kanilang Halloween outfits, tiyak na matatawa kayo sa sindak sa 'Squid Game'-inspired na kasuotan ni Comedy Queen Aiai Delas Alas, na lalabas bilang si "Green Light, Red Light" girl.
Tingnan ang Halloween costumes nila rito at ng iba pang artista:




















