Taun-taong pinaghahandaan ng Pinoy celebrities ang Halloween. Pabonggahan sila sa kani-kanilang costumes na inspired sa horror on-screen characters, samantalang ang ilan ay creative sa kanilang pananamit.
Tulad na lamang ng 'Prima Donnas' stars na sina Jillian Award, Sofia Pablo, Althea Ablan, at Elijah Alejo na in-effort-an ang kanilang mga Halloween get-up sa makeup at prosthetics pa lang.
Kung ang Kapuso teen stars ay nagpabonggahan sa makeup at prospethics, ang 'The Clash' judges naman ay idadaan sa kasuotan ang kanilang pananakot sa TV.
Sa episode ng 'The Clash' ngayong October 31, 2021, mapapanood si Lani Misalucha bilang si Morticia Addams na stylish at intimidating sa kanyang black gown. Si Christian Bautista naman, "oppa"-looking pa rin sa kanyang Dracula costume. Kung si Lani at Christian ay nakakakilabot sa kanilang Halloween outfits, tiyak na matatawa kayo sa sindak sa 'Squid Game'-inspired na kasuotan ni Comedy Queen Aiai Delas Alas, na lalabas bilang si "Green Light, Red Light" girl.
Tingnan ang Halloween costumes nila rito at ng iba pang artista:
Sa litrato pa lang na ito, nakakatakot na ang itsura ng Kapuso teen star na si Jillian Ward na naka-costume ala-Pennywise.
Charming pa rin ang dating ni Sofia Pablo sa kanyang Cleopatra costume.
"Fa-boo-lous" naman ang look ni Althea Ablan sa kanyang scarecrow get-up para sa Halloween ngayong taon.
Stapled face ang entry ni Elijah Alejo for this year's Halloween.
Talagang kikilabutan ka kapag nakita mo si Comedy Queen Aiai Delas Alas bilang si "Green Light, Red Light' girl sa popular na Netflix series na 'Squid Game.'
Tingin pa lang ni Asia's Nightingale Lani Misalucha, mapapatalon na ang Clashers sa takot. Makabirit pa kaya sila kapag si Morticia Addams na ang kaharap nila?
Si Christian Bautista na yata ang pinakagwapong Dracula!
Tulad ng kanyang BFF na si Aiai, na-hook din ang 'Eat Bulaga!' Dabarkad na si Allan K sa 'Squid Game.'
Kahit skeleton ang costume, cute na cute pa rin si Baby Tali!
Bagay na bagay sa magkapatid na sina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga ang kanilang Halloween costumes na Miss Minchin at Princess Sarah.
Fierce at sexy pa rin si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kanyang Wonder Woman costume.
Ginaya ni Maine Mendoza ang animated character na si Velma Dinkley ng 'Scooby Doo' para sa Halloween episode ng 'Eat Bulaga' noong October 30, 2021.
Hindi nagpaawat si Maja at nag-ala Kim Kardashian pa siya sa kanyang second Halloween look. Ginaya niya ang kontrobersiyal na all-black outfit ni Kim sa Met Gala 2021 kung saan pati ang kanyang mukha ang may takip.
Perfect ang Michael Jackson get-up ng Queen of Dance Floor na si Maja Salvador sa 'Eat Bulaga.'
Kahit nasa bahay, naki-Halloween party sa 'Eat Bulaga' si Joey De Leon na nag-ala Elvis Presley.
Ginaya naman ni Jose Manalo ang scary character sa 2016 horror film na 'The Boy' pero may twist! Dahil siya raw ay si "Boy Tokwa."
Two-in-one ang costume ni Wally Bayola dahil pwede raw siyang si paranormal investigator Ed Caluag o novelty singer na si Lito Camo.
Skeleton skull naman ang look ng Kapuso hunk actor na si Royce Cabrera na hot pa rin sa kaniyang Halloween getup.
Ang fictional character naman na si Mia Wallace sa Quentin Tarantino film na 'Pulp Fiction' ang peg ni Bianca Umali sa kaniyang Halloween costume.
'Squid Game'-inspired ang napili ng pamilya ni 'Las Hermanas' actress na si Yasmien Kurdi para sa kanilang Halloween paandar.
Gaya ng ibang celebrities, 'Squid Game' rin ang Halloween costume ng mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina kasama ang kanilang anak na si Baby Joaquin.