IN PHOTOS: Binatang breadwinner, ibebenta ang sarili online sa '#MPK'

Isa na namang napapanahong kuwento ang tampok sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman'.
Matutunghayan ngayong Sabado ang kuwento ng isang lalaking sasabak sa online live selling. Pero imbis na mga damit at iba pang mga gamit ang kanyang ibenta, sarili niya ang kailangang "i-mine" ng mga customer niya!
Si Dave ang tumatayong breadwinner sa kanilang magkakapatid. Iniwan nila ang kanilang abusive na ama, habang pumanaw naman ang kanilang ina.
Sa Maynila nagtatrabaho ang kanilang ate, habang pumasok naman sa seminaryo ang kanilang kuya.
Para suportahan ang kaniyang mga kapatid, luluwas din ng Maynila si Dave para maghanap ng trabaho.
Makakapasok siya bilang katiwala sa isang junk shop. Magiging kaibigan niya ang anak ng may-ari na si Jayson at makakapag padala pa siya ng pera para sa kanyang mga kapatid sa probinsiya.
Pero maaapektuhan ang kanyang trabaho nang tumama ang pandemya. Para kumita, ipapakilala siya ni Jayson sa mundo ng pagbebenta ng sarili sa social media.
Noong una, pagsasayaw ang pictures lang ang ibinebenta ni Dave. Pero dahil nagkasakit ang kanyang kapatid at kailangan ng mas malaking pera, napilitan siyang tumanggap ng "booking" o magbigay ng sexual services sa ilang mga customer.
Ano ang kahihinatnan ni Dave sa trabahong ganito?
Si Dave Bornea ang gaganap bilang Dave, habang si Luke Conde naman ay si Jayson.
Bahagi din ng episode sina Raquel Pareno, Karenina Haniel at James Teng.
Huwag palampsin ang brand new episode na pinamagatang "Pa-mine: Online Body Selling," ngayong Sabado, October 2, 7:15 p.m. sa '#MPK.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






