IN PHOTOS: Binatang pasaway, nangangarap makatapos ng kolehiyo sa '#MPK'

GMA Logo Pasaway na Iskolar on #MPK

Photo Inside Page


Photos

Pasaway na Iskolar on #MPK



Kuwentong nagpapakita ng kahalagan ng edukasyon ang tampok sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Isang matalinong binata si Kim pero sadyang may pagka-pilyo. Imbis na um-attend ng kanyang mga klase, tumatakas siya para magsugal at uminom kasama ang kanyang barkada.


Nang makapagtapos siya ng high school, pumasok siya sa iba't ibang mga trabaho kahit mababa lang ang sahod. Mas gusto rin kasi ng kanyang inang si Cecilia na magtrabaho siya para makatulong sa pamilya.

Gayunpaman, nangangarap pa rin siyang makatungtong ng kolehiyo.

Dahil kulang ang kinikita, mapipilitan si Kim na magnakaw ng manok. Mahuhuli siya at mababaril sa tagiliran.

Dito magdedesisyon si Kim na tumuloy ng kolehiyo para mabigyan ng mas maayos na buhay ang kanyang pamilya.

Hindi naman sang-ayon dito ang kapatid niyang si Jun dahil sa tingin nito, suntok sa buwan ang pangarap ni Kim.

Makakatungtog ba ng kolehiyo si Kim?

Huwag palampsin ang brand new episode na pinamagatang "Pasaway na Iskolar," ngayong Sabado, September 11, 7:15 pm sa '#MPK.'

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Kelvin Miranda
Rita Avila
Prince Clemente
Sophia Senoron
Pasaway
Education
Pasaway na Iskolar

Around GMA

Around GMA

Iran says final deal still far off as Hormuz Strait shuttered
BINI rocks Y2K-inspired outfits at Coachella Week 2
Fans ng Huwag Kang Titingin' stars, todo ang suporta sa sunod-sunod na block screenings nationwide