IN PHOTOS: Bonding moments of Jackie Forster with sons Andre and Kobe Paras

Walang pagsidlan ng tuwa ang dating aktres na si Jackie Forster dahil kapiling na niya ang dalawang anak sa dating asawa na si PBA star cager Benjie Paras.
Matatandaan na ipinanganak ni Jackie si Andre sa edad na 16 years old.
Tatlong taon matapos nito ay dumating sa buhay niya si Kobe Paras.
Nagtapos man ang relasyon ni Jackie at Benjie, nakahanap naman siya ng pagmamahal sa current partner niya na si Michel Franken at biniyayaan din silang dalawa ng tatlong supling.
Heto at balikan ang ilan sa sweetest and memorable moments ni Jackie Forster kasama sina Andre at Kobe, pati na rin ang mga anak niya sa Dutch businessman na si Michel.
















