IN PHOTOS: Buhay ni Betong Sumaya, tampok sa '#MPK'

Buhay ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya ang tampok sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o 'Magpakailanman' ngayong Sabado.
Sa likod ng mga ngiti at tawang hatid niya bilang isang komedyante, hindi pala naging madali ang buhay ni Betong noong siya ay bata pa.
Noon pa man ay nangangarap na siyang maging artista pero tila hindi niya maabot ang pangarap na ito dahil galing siya sa simpleng pamilya.
Nagkaroon pa ng sakit ang kanyang ama kaya lalo silang kinapos.
Dahil sa pagsisikap, nakapag-aral si Betong at nagkaroon ng magandang trabaho.
Dumating din ang pagkakataon na sumali siya sa 'Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown' noong taong 2011. Ito ang ika-apat at huling season ng Philippine version ng international franchise.
Siya ang nanaig sa kumpetisyon at hinirang bilang Sole Survivor.
Matapos nito, sunud sunod na ang naging showbiz projects ni Betong. Kaliwa't kanan din ang naging guestings niya sa iba't ibang mga palabas ng GMA.
"Pangarap ko po talaga noong bata ako, maging artista po. Pero hindi ko talaga alam kung paano mangyayari dahil nga po sa itsura ko," biro niya.
Ngayon, bahagi siya ng longest-running gag show sa Pilipinas na 'Bubble Gang.' Regular performer din siya sa weekend noontime variety show na 'All-Out Sundays' at co-host sa original kiddie singing competition na 'CenterStage.'
Nakapag-release din siya ng isang awit sa ilalim ng GMA Records.
Si Kapuso actor Buboy Villar ang gaganap bilang Betong, habang sina Epy Quizon at Candy Pangilinan naman ang gaganap bilang kanyang mga magulang.
Silipin ang amazing life story ni Betong Sumaya sa brand new episode na "The Ultimate Survivor: The Amazing Story of Betong" ngayong Sabado, March 27, 8:00 pm sa '#MPK.'
Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






