IN PHOTOS: Buhay ni billiards champion Johann Chua, tampok sa '#MPK'

GMA Logo Batang Kampeon sa Bilyaran

Photo Inside Page


Photos

Batang Kampeon sa Bilyaran



Fresh mula sa pagkapanalo niya ng gold medal sa 31st Southeast Asian Games Men's 9-Ball Singles, tampok ang buhay ng billiards champion na si Johann Chua sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.


Pinamagatang "Batang Kampeon sa Bilyaran," maipapakita dito ang mga pagsubok na hinarap niya bago makilala sa larangan ng billiards.

Nahilig si Johann sa billiards dahil sa impluwensiya ng kanyang supportive at mapagmahal na amang si Johnny.

Masaya man ang naging buhay niya nang sila lang dalawa ng ama, nangungulila pa rin si Johann sa pagmamahal ng ina na inabandona siya.

Pero isang araw, muling magpapakita sa kanya ang nanay n'yang si Ana. Makakaapekto ba ito sa laro ni Johann?

Abangan ang kuwento ng buhay ni Johann Chua sa fresh and brand new episode na "Batang Kampeon sa Bilyaran," May 28, 8:15 p.m. sa #MPK.


Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Jak Roberto
William Lorenzo
Influence
Shamaine Buencamino
Coach
Pagsubok
Batang Kampeon sa Bilyaran

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 23, 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust