IN PHOTOS: Buhay-probinsya ni Bettinna Carlos at kanyang pamilya

Iniwan muna ni Bettinna Carlos ang kanyang condo upang manirahan sa La Union kasama ang kanyang mister na si Mikki Eduardo, kanilang anak na si Gummy, at siyempre si yatch Maps Jongaya.
Bago mapaibig kay Bettinna, sa La Union nakatira si Mikki. Iniwan niya ang kanyang corporate job sa Maynila dahil sa kanyang hilig sa surfing at nagtayo ng negosyo sa probinsya.
Noong December 2, 2020, ikinasal sina Bettinna at Mikki. Sa condo muna sila nanatili ngunit napagpasiyahan din nilang subukan ang buhay sa La Union.
Kumusta kaya ang kanilang buhay sa probinsya? Alamin sa gallery na ito.







































