IN PHOTOS: Carmina Villarroel's quarantine birthday party

Nag-celebrate ng 45th birthday ang Kapuso actress na si Carmina Villarroel nitong August 17.
Simula pa lamang noong August 15, nag-celebrate na ang aktres ng kanyang birthday sa kanyang programa na 'Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.' Dito, nakasama niya ang kanyang asawa na si Zoren Legaspi at mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi para sa isang fun birthday episode.
Nasundan pa ito ng mga sorpresa sa kanilang tahanan mula sa kanyang pamilya. Pinaghandaan siya ng mga ito ng isang simpleng salo-salo.
Pero hindi nagtapos dito ang sorpresa kay Carmina. Sa kanyang birthday live streaming, binati siya ng kanyang mga kaibigan sa industriya at nakatanggap ng isang pagbati mula sa kanyang idolo.
Silipin ang masayang birthday ni Carmina sa gallery na ito:











