IN PHOTOS: Carmina Villarroel's snowman collection

Sa isang vlog ni Carmina Villarroel sa kanyang YouTube channel ay ipinakita niya ang kanyang hilig sa snowman.
Sa Christmas edition house tour ng Kapuso star, makikita sa bahay niya ang kanyang snowman collection.
Ang mga snowman na ito ay binili ni Carmina sa kanyang mga paboritong home decor stores. Ang iba naman ay regalo ng kanyang kapatid.
Saad ni Carmina, ang naturang snowman collection ay nakakapagsaya sa kanya lalo na tuwing holiday season dahil sa sobrang cute ng mga ito. Bukod pa rito, mayroon ring iba't ibang klaseng ornaments na matatagpuan din sa kanilang bahay para mas maging festive ang Legaspi family home. Mayroon pang DIY decors si Carmina na kanya ring ipinakita sa kanilang bahay.
Silipin ang kanyang snowman collection sa gallery na ito:



















