Ilan sa kilalang personalidad sa showbiz ang nakahanap ng pag-ibig sa mga politiko. Ang iba ay nagkakilala dahil sa kanilang common friends, may iba naman na dahil sa trabaho at parehong interes.
Tulad na lamang nina Pauline Mendoza at Ashley Ortega, na nakilala ang kanilang politician partners sa pamamagitan ng common friends.
Kilalanin ang iba pang celebrities na nagmahal ng politicians sa gallery na ito:
Kinumpirma ni Pauline Mendoza ang relasyon kay Alaminos City Mayor Bryan Celeste noong 2020. Ayon sa aktres, nagkakilala sila ni Bryan sa pamamagitan ng kanilang common friends.
Noong May 21, 2022 sa "Bawal Judgmental" segment ng 'Eat Bulaga,' ibinahagi ni Lucena City Mayor Mark Alcala ang kasalukuyang lagay ng relasyon kay Ashley Ortega. Aniya, palagi silang nakasuporta sa isa't isa. "So kami nagsusuportahan lang, kahit hindi kami nagkikita, kasi nasa province ako, nandito siya."
Ikinasal si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero noong 2015 matapos ang dalawang taong relasyon. Ayon kay Heart, noon pa man ay may crush na siya kay Chiz, "First and foremost, crush ko na talaga si Chiz ever since, 2007 pa."
Noong February 2020, ikinasal ang aktres at politician na si Charee Pineda sa kanyang longtime boyfriend at kapwa politiko na si Martell Soledad. Sa kaparehong taon, isinilang ni Charee ang una nilang anak na si Martell Francesco Soledad.
Ikinasal si Mariel Rodriguez-Padilla sa aktor at ngayo'y senador na si Robin Padilla noong August 2010. Biniyayaan sila ng dalawang anak na babae na sina Isabella at Gabriela.
Noong April 2022, ipinagdiwang nina Sharon Cuneta at Francis "Kiko" Pangilinan ang kanilang 26th wedding anniversary.
Ikinasal si Assunta de Rossi kay dating Negros Occidental Congressman Jules Ledesma noong 2004. Isinilang ni Assunta ang una nilang anak na si Fiore noong October 2020.
Ikinasal sina Jinkee at Manny Pacquiao noong May 1999. Sa ngayon, mayroon na silang limang anak na sina Jimuel, Michael Stephen, Mary Divine Grace, Quennie, at Israel.
Ikinasal sina Vilma Santos at Ralph Recto noong December 11, 1992 sa Lipa, Batangas. Mayroong isang anak sina Vilma at Ralph, si Ryan Christian.
Ikinasal sina Dawn Zulueta at ex-Davao del Norte Representative Anton Lagdameo noong December 27, 1997 sa New York at ngayon ay mayroon ng dalawang anak na sina Jacobo at Ayisha.
Actress Yassi Pressman hard launched her boyfriend, Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte, as she visited the province. Yassi confirmed that she is in a relationship with the 27-year-old politician after she shared a video of them kissing.
Maine Mendoza and Quezon City 1st District Representative Arjo Atayde got married on July 28, 2023. Even before the wedding, the date is already significant to Maine and Arjo because it was also on that same date that she tweeted "Arjo cutie" in 2013.
Rachel Peters and Camarines Sur 5th District Representative Migz Villafuerte got married twice. The first wedding was a civil ceremony during the height of the pandemic in 2021. A year after, they exchanged vows again in Bali, Indonesia.