IN PHOTOS: Celebrities na deboto ng Itim na Nazareno

GMA Logo Black Nazarene devotees
Image Source: GMA Network / mrandmrsfrancisco (IG)

Photo Inside Page


Photos

Black Nazarene devotees



January 9 ipinagdiriwang ang Pista ng Itim na Nazareno na kilala din bilang Pista ng Quiapo.

Sa araw ding ito idinaraos ang taunang traslacion, kung saan inililibot sa ilang lugar ang Itim na Nazareno bilang paggunita sa orihinal na paglipat nito mula Intramuros patungong Quiapo.

Pinaniniwalaan ng mga deboto na nakakapagpagaling ng mga sakit at nakakatupad ng mga hiling ang Itim na Nazareno.

Kaya naman sinusubukan ng mga ito na makalapit sa andas para mahawakan ang poon, mapunasan ito, o makatulong sa paghila nito gamit ang mga lubid.

Bukod dito, sinisikap din ng mga deboto na lakaranin ng buong prusisyon nang walang suot sa kanilang mga paa bilang paggunita sa paglalakad ni Hesus patungong Golgotha.

Ngayong 2022, walang idaraos na traslacion dahil sa COVID-19 pandemic.

Hinihikayat din ng pamunuan ng Quiapo Church na dumalo ng misa sa ibang simbahan o sa pamamagitan ng livestreaming.

Samantala, silipin sa gallery na ito ang ilang celebrity devotees ng Black Nazarene:


Aiai delas Alas
Tina Paner
Giselle Sanchez
Noli de Castro
Coco Martin
Angeline Quinto
McCoy de Leon
Bayani Agbayani
Christopher De Leon
Melai Cantiveros

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine