IN PHOTOS: Celebrities na hindi pinalad sa #Eleksyon2022

Sa Eleksyon 2022, maraming artista at personalidad ang tumakbo sa iba't ibang posisyon, mapa-national man o local.
Nangunguna sa listahan ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at Isko Moreno na parehong tumakbo bilang Pangulo. Hindi man pinalad na manalo, buong pagpapakumbabang tinanggap nina Manny at Isko ang naging resulta ng halalan.
Sa pagka-vice president, nag-concede na rin ang longtime 'Eat Bulaga' host na si Tito Sotto kay Davao City mayor Sarah Duterte na kasalukuyang nangunguna sa partial at unofficial tally.
Bigo rin ang Kapuso na si Richard Yap sa kanyang pagtakbo bilang congressman ng first district ng Cebu City. Kahit na hindi siya nagtagumpay, taos puso namang pinasalamatan ni Richard ang kanyang mga kababayan.
Bukod sa kanila, kilalanin pa ang ibang mga personalidad na bigo sa kanilang kandidatura sa eleksyon 2022.























