advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Celebrities na hindi pinalad sa #Eleksyon2022

1 of 24

Manny Pacquiao

Nag-concede na ang pambasang kamao na si Manny Pacquiao sa frontrunner na si dating senador Bongbond Marcos.

2 of 24

Isko Moreno

Katulad ni Manny, nagpaabot na rin ng pagbati si Isko Moreno kay Bongbong na nangunguna sa partial at unofficial tally.

3 of 24

Tito Sotto

Nag-concede na rin ang longtime 'Eat Bulaga' host na si Tito Sotto kay Davao City mayor Sarah Duterte na kasalukuyang nangunguna sa partial at unofficial tally.

advertisement
4 of 24

Richard Yap

Pinasalamatan naman ng Kapuso actor na si Richard Yap ang kanyang mga tagasuporta. Hindi pinalad si Richard na manalo bilang congressman ng first district ng Cebu City.

5 of 24

Raymond Bagatsing

Natalo naman sa kapwa artista na si Yul Servo si Raymond Bagatsing na tumakbo bilang vice mayor ng Maynila.

6 of 24

Ali Forbes

Hindi pinalad na makapasok sa konseho ng Quezon City ang beauty queen na si Ali Forbes.

advertisement
7 of 24

Claudine Barretto

Bigo rin sa kanyang kandidatura bilang councilor ng lone district ng Olongapo si Claudine Barretto.

8 of 24

Bobby Andrews

Talo ang aktor na si Bobby Andrews sa kanyang pagtakbo bilang councilor ng fourth district ng Quezon City.

9 of 24

Long Mejia

Hindi rin pinalad ang komedyanteng si Long Mejia na tumakbo bilang Provincial Board Member ng first district ng Bulacan.

advertisement
10 of 24

Dan Alvaro

Tumakbo rin bilang Provincial Board Member ng fifth district ng Bulacan si Dan Alvaro ngunit hindi siya pinalad.

11 of 24

Mariposa

Bigo rin ang dancer na si Mariposa na makasungkit ng puwesto bilang councilor ng lone district ng Meycauyan, Bulacan.

12 of 24

Arci Muñoz

Hindi pinalad ang aktres na si Arci Muñoz na manalo bilang councilor ng Cainta, Rizal.

advertisement
13 of 24

Dennis Padilla

Bigo rin si Dennis Padilla na maluklok bilang councilor ng Caloocan City.

14 of 24

Inday Garutay

Talo ang komedyanteng si Inday Garutay bilang councilor ng second district ng San Juan City.

15 of 24

Precious Hipolito-Castelo

Hindi mauupo bilang congresswoman ng Second District ng Quezon City si Precious Hipolito-Castelo matapos siyang talunin sa posisyon ng anak ni Raffy Tulfo na si Ralph.

advertisement
16 of 24

Rommel Padilla

Hindi pinalad si Rommel Padilla na maluklok bilang congressman ng first district ng Nueva Ecija.

17 of 24

Alvin Patrimonio

Talo ang basketball star at coach na si Alvin Patrimonio sa kanyang kandidatura bilang mayor ng Cainta, Rizal.

18 of 24

Victor Pring

Bigo ang kapatid ni Joyce Pring na si Victor sa kanyang kandidatura bilang konsehal ng second district ng Quezon City.

advertisement
19 of 24

Imelda Papin

Talo ang mang-aawit na si Imelda Papin na tumakbo bilang gobernador ng Camarines Sur.

20 of 24

Herbert Bautista

Hindi pinalad ang dating aktor at dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista sa kanyang pagtakbo bilang senador.

21 of 24

Monsour Del Rosario

Bigo ang aktor at martial artist na si Monsour Del Rosario sa kanyang pagtakbo bilang senador.

advertisement
22 of 24

Arnold Vegafria

Talo ang talent manager na si Arnold Vegafria sa kanyang kandidatura bilang mayor ng Olongapo City, Zambales.

23 of 24

Sol Aragones

Hindi pinalad ang dating Kapamilya reporter na si Sol Aragones na tumakbo bilang gobernador ng Laguna.

24 of 24

Dave Almarinez

Natalo ang asawa ng aktres na si Ara Mina na si Dave Almarinez sa pagtakbo nito bilang congressman ng second district ng Laguna.

advertisement

Around GMA