Ang ilang mga personalidad sa mundo ng showbiz ay hindi lamang isa ang kinikilalang ama dahil muling nagpakasal o nakahanap ng bagong partner ang kani-kanilang mga ina.
Gayunpaman, ipinakita ng mga ito na hindi lamang sa dugo naba-base ang pagkakaroon ng isa pang magulang, kundi sa pagmamahal na ipinakikita nito.
Alamin kung sinu-sinong celebrities ang may dalawang kinikilalang tatay sa gallery na ito.
Si KC Concepcion ay anak ng aktor na si Gabby Concepcion.
Ang isa pang kinikilala na ama ni KC ay ang asawa ng kanyang ina na si Senator Francis "Kiko" Pangilinan.
Si Ysabel Ortega ay ang anak ni Lito Lapid.
Ang kanyang ina na si Michelle Ortega at ang kanyang stepfather na si Police Director na si Gregorio "Greg" Pimentel ay ikinasal nitong 2018.
Si Leila Alcasid ay ang panganay ni Ogie Alcasid kay Michelle van Eimeren.
Si Mark Morrow ay ang asawa ng kanyang ina na si Michelle. Siya ay kinikilala na isa pang ama nina Leila at Sarah Alcasid.
Si Luis Manzano ay anak ng kilalang aktor na si Edu Manzano.
Ang actress turned politician na si Vilma Santos ay napangasawa ang kapwa niyang politician na si Ralph Recto na tumatayong ikalawang ama ni Luis.
Si Karylle ay ang anak ng seasoned singer na si Zsazsa Padilla sa dati nitong asawa na si Dr. Modesto Tatlonghari.
Ang renowned architect na si Conrad Onglao ay ang partner ng ina ni Karylle na si Zsazsa Padilla.
Ang aktres na si Janine Gutierrez ay ang anak ng dating celebrity couple na sina Lotlot De Leon at Ramon Christopher “Monching” Gutierrez.
Pinakasalan ng ina ni Janine Gutierrez na si Lotlot De Leon ang Lebanese businessman na si Fadi El Soury noong 2018. Ang Kapamilya actress ang nagsilbing maid of honor ng kanyang ina.